Everything We Had - The Academy Is..
- 144 playsMadalas akong nakatambay sa facebook, palagi kong nakikita yung updates ng mga dati kong kaibigan, mga pictures na nagpaparty sila, umiinom, nangchichicks, may kasamang maraming tao, at parang napakadali nilang makipagsocialize sa iba.
Ewan ko kung bakit may parte sa akin na pakiramdam ay napag-iwanan nila ako, feeling ko kasi wala pa din malaking pagbabago sa akin simula nung nagkahiwa-hiwalay kami. Ako pa din yung payat na mahilig sa computer at music nothing less, nothing more, pero sila parang ibang iba na.
Ako kasi yung taong tamad pagdating sa pagbabago sa sarili, hindi kasi ako yung taong nagbabago para sa iba. Pero sa ngayon tingin ko dapat talaga ko magbago dahil parte iyon ng mundo, pakiramdam ko kasi hindi ako normal.
Pero at the same time naiisip ko ang korni nun kung sakali, ika nga ni Kurt Cobain “I’d rather be hated for who I am, than loved for who I am not.”, wapakels nalang ako sa ibang tao. Mas ok pa din siguro yung iilan lang kaibigan ko pero totoo sila sa akin kaysa sa marami nga pero pang display lang sa mga albums ko sa facebook. Tsaka mali din naman na ikumpara ko yung buhay ko sa kanila, ang tanga-tanga ko talaga.
Pucha ang gulo ko.
Ang init-init nakaitim.